Friday, June 29, 2012

aT tHe GyM

       
          Biyernes ng gabi, katapusan ng lahat ng pag-hihirap sa buong isang linggo. Si Enard ay ginawa na ang lahat lahat para matapos niya ang kanyang repot na kailangan ng kanyang boss ng lunes ng umaga. Ito ang nakakasira ng mood ni Enard. Eh since ang kanyang stress reliever ay pagwowork out tuwing lalabas siya ng kanyang trabaho tuwing biyernes ng gabi. At ang kinakatakot nya ay baka sarado na ang gym na kanyang pinupuntahan. At sa wakas ay natapos na na rin ni Enard ang kanyang trabaho bandang alas-8 ng gabi at ang sarado ng gym na pinupuntahan nya ay bandang alas-9 ng gabi. So, naisip ni Enard na may oras pa para gawin ang ibang routine na kanyang ginagawa sa gym.