”Kenjie,
dito nalang tayo mag-antay ng taxi” ang pagkakarinig kong sabi ni Jacq-
kaibigan ko, nang ihatid nila ako sa kanilang gate pagkatapos ng
kanyang birthday party. Tipsy ako ng konti. Hindi kasi ako sanay uminom.
Konting alak lang, hilo na agad ako.
“Sige, Jacq. Pero mamaya niyo na ako iwan pag nakasakay na ako” sabi ko sa kanya.
Twenty
minutes na kaming nakatayo sa harap ng kanilang gate, dami na naming
napagtawanan na kwento, pero wala pang nadaan na taxi. Limang minuto pa
ulit ang nagdaan pero wala pa ring taxi’ng nadaan.

